Skip to main content

INAUGURATION OF SUPER RHU HERMOSA WAITING AREA

Malugod ko pong ibinabalita sa ating mga kababayan na bukas na ang bagong waiting area ng Super RHU Hermosa sa Barangay Mandama.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas magiging komportable ang ating mga pasyente habang naghihintay ng kanilang check-up at iba pang serbisyong pangkalusugan. Hindi na nila kailangang maghintay sa ilalim ng matinding init o masamang panahon dahil mayroon na silang maayos, ligtas, at maaliwalas na lugar na mapag pahingahan.
Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng dumalo sa isinagawang inauguration, sa pangunguna nina Vice Governor Cris Garcia, Congressman Tony Roman, Congressman Jett Nisay, at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan mula sa Unang Distrito ng Bataan.
Taos-puso rin po ang ating pasasalamat kina Dr. Warren Valencia, Konsehala Gelly Santos, at sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Hermosa sa kanilang patuloy na suporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng bawat Hermoseño.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan


CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1L5orLLPe7/

Official Website of Municipality of Hermosa