Pagpapatupad ng Ordinansa para sa Kulungan ng mga Pagala-galang Hayop sa Hermosa
TINGNAN: Bilang tugon sa ating kampanya para sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa bawat barangay, narito po ang ating ulat kaugnay sa pagpapatupad ng ordinansa na nag-aatas sa bawat barangay na magkaroon ng kulungan para sa mga hayop na pagala-gala, walang may-ari, o nakakalat sa komunidad.
Hinihikayat po natin ang lahat na maging responsableng pet owners upang matiyak ang kaligtasan, kalinisan, at kaayusan ng ating kapaligiran. Layunin din po nito na maiwasan ang mga insidente ng kagat ng aso at ang banta ng rabies mula sa mga hayop na hindi nababantayan.
Sa kasalukuyan, mayroon nang naipatayo at naipatupad na kulungan sa mga barangay ng Culis, Mandama, Saba, at Balsik.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1FYfjmFi5e/






