15,000 Hito Fingerlings, ipinamahagi sa mga mangingisda sa Hermosa
Ating nabigyan ng kabuuang 15,000 Hito Fingerlings ang 16 mangingisda nating kababayan sa pangangasiwa ng Hermosa Municipal Agriculture Office. Ang pamamahagi ay ginanap sa ating Hermosa Public Plaza katuwang ang mga kawani ng Hermosa MAO.
Hiling ko ang malusog na paglaki ng mga hitong ito para sa mas mayabong na pag-ani ng ating mga kababayan sa Hermosa. Maraming salamat sa inyong sipag, Hermosa MAO sa pangunguna ni Vincent Mangalubnan, upang mabigyan ng karampatang suporta ang ating mga mangingisda.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan