QUESTIONS? CALL US: +000000000    info@hermosa.gov.ph
previous arrow
next arrow
PlayPause
Shadow
Slider

Mayor Jopet nanguna sa Pagdiriwang ng Ika-121 Taong Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas

Mayor Jopet nanguna sa Pagdiriwang ng Ika-121 Taong Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas

Ni Mhike R. Cigaral
Mga larawan: John Michael Mendoza

HERMOSA, Bataan — Kasabay ng pagdiriwang ng Ika-121 Taong Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas sa buong bansa ngayong Mierkoles, ay pinangunahan ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang pormal na selebrasyon nito sa Plaza ng Hermosa, Bataan.

Dinaluhan din ito ng mga kasalukuyan at mga bagong halal na lingkod bayan ng Hermosa kabilang sina Vice Mayor-elect Eigie Malana at mga myembro ng Sangguniang Bayan ng Hermosa (SB Hermosa).

Naging panauhing pandangal si Kinatawan ng Unang Distrito ng Bataan, Congresswoman Geraldine Roman na siyang ring naging tagapanguna sa panunumpa sa tungkulin ng ilang myembro ng SB Hermosa.

Ang pagdiriwang ngayong taong ito ng Araw ng Kakayaan ay may temang, “Kalayaan 2019: Pagbabagong Ipinaglaban Alay sa Masaganang Kinabukasan.”

Sinabayan din ito ng pagdiriwang sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan ng Bataan.