QUESTIONS? CALL US: +000000000    info@hermosa.gov.ph
previous arrow
next arrow
PlayPause
Shadow
Slider

Mayor Jopet inaksyunan ang mga hinaing ng housing units occupants ng NHA

Mayor Jopet inaksyunan ang mga hinaing ng housing units occupants ng NHA

Ni Mhike R. Cigaral
Mga larawan: John Michael Mendoza

HERMOSA, Bataan – Sinermunan nitong Martes ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang contractor at water supplier ng mga housing units ng National Housing Authority o NHA sa Barangay Mabuco, Hermosa, Bataan.

Ayon kay Mayor Inton, ito ay bilang aksyon sa mabagal pagsasaayos ng housing units, at supply ng tubig sa naturang lugar, na naiaward sa tulong ng LGU Hermosa nitong Enero 2018.

“Nanghingi tayo ng tulong kay NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. pag upo ko pa lang noon paramapakinabanagan itong mga housing units na ito na nakatiwangwang sa loob ng mahigit limang taon,” sabi ni Mayor Inton sa panayam ng reporter na ito.

Umabot sa 508 beneficiaries ang inisyal na nabiyayaan ng mga housing units ng NHA noon pang isang taon.
Ang inisyal na pamamahagi ay sa pakikipagtulungan ni Mayor Inton kay NHA OIC Director for Pampanga, Bataan and Zambales area, Ines Gonzales.

Ang pamamahagi ng Katibayan ng Alokasyong Pabahay para pormal na makalipat na ang mga benepisyaryo at personal na nilang marenovate ang dating mga nakatiwangwang na mga housing units, ang personal na dinaluhan ng alkalde.

Ayon pa kay Inton, nitong Disyembre 2017 ay kinausap niya ang pamunuan ng NHA para maipamahagi pa ang mga bakanteng bahay dito na mahigit isanlibong units sa mga qualified beneficiaries.

Layon ng panukala ni Mayor Inton na maiwasan na mapasok ng mga agaw lupa syndicates kagaya ng ginawa ng grupong Kadamay sa mga NHA housing units sa ibang mga lalawigan, kaya’t nagtalaga siya ng mga guwardiya sa lugar habang hindi pa naipapamahagi ang mga housing units.

Ang naturang programa ay kauna unahang programa na naisagawa ng isang local government unit o LGU sa bansa sa pakikipagtulungan sa NHA para mapakinabangan lalo na ng mga mahihirap na walang sariling bahay.

Kasama din sa mga nakinabang sa proyekto ang ilang mga uniformed personnel mula sa Philippine National Police at Bureau of Fire Protection.

Samantala, kasama rin sa mga paninira ng kanyang mga katunggali sa pulitika ang isyu na ibinenta daw nya ang lupang pag aari ng munisipyo para pakinabangan ng isang pribadong kumpanya na ngayon ay isang category 4 sanitary landfill facility.

“Nais ko pong linawin na ang isyung yan ay nasa ilalim ng public private partnership sa loob ng 25 taon kung saan dahil sa kasunduan na yan ay milyon milyong piso ang natipid ng LGU Hermosa dahil libre po ang pagtatapon ng solid waste ng ating bayan sa Hermosa Sanitary Landfill Facility sa Barangay Mambog,” dagdag pa ni Mayor Inton.